Panandaliang Pag-ibig
Di ko malilimutan
Mga araw na ating pinagsamahan
Bawat oras na puno ng kwentuhan
Na nagdala sa akin ng lubos na kasiyahan
Nadamay ibang kasiyahan
Na tila ba hanap-hanap ka lagi ng aking isipan
Gusto ko ika’y laging samahan
Upang suyurin ang buong kalawakan
Di ko maiiwasan
Ang sila’y pagselosan
Dahil di ko maitatago sayo
Ang nag-aapoy na selos sa puso kong ito
Ako’y umiibig na nga ba?
Sa kaibigan kong mahal kong talaga
O isa nga lang bang paghanga
Sa ganda mong kahanga-hanga
Siguro’y nalilito lang ako
Sa pintig ng puso kong ito
Dahil sa ngayon inaamin ko
Kaibigan na lang ang turing ko sayo
Kaibigang lagi kong pahahalagahan
Habang buhay na iingatan,
Di ko kaylan man iiwanan
Sa gitna man ng kawalan
Mahal kita bilang kaibigan
At mananatili yon kaylan man
Yaman na aking aalagaan
At di ko pababayaan
No comments:
Post a Comment